Dahil kay John Lloyd Cruz, natuto nang mag-compose ng kanta si Angelica Panganiban. Ibinuking sa amin ni Direk Dante Nico “Ga” Garcia na direktor ng aktres sa indie film nilang Madaling Araw Mahabang Gabi na may ginawa raw kanta ang Kapamilya actress para sa rumored boyfriend.
Ang nasabing kanta ay ginawa raw ni Angel noong panahong nasa Barcelona sila ni Lloydie kaya Barcelona ang titulo nito.
Halatang very inspired daw ang aktres habang ginagawa ang lyrics dahil sa mga linyang nakasaad dito tulad ng “naging madamot ang kahapon kaya bumabawi ang ngayon.”
May tono na ang kanta ngayon dahil tinulungan siyang maglapat ng musika ni Glaiza de Castro na co-star niya sa said indie film at ang young actress na rin ang kumanta.
Maririnig ang komposisyon na ito ni Angelica sa OST album ng pelikula na malapit nang i-release.
Mapapakinggan daw sa nasabing komposisyon ang mga nararamdaman ni Angelica kay Loydie mula pa noong mag-best friends sila hanggang sa ngayon.
Well, looks like so much in love nga si Angelica ngayon. Ang tanong, kelan naman kaya sila aamin?