Nagsalita na si John Lloyd Cruz sa isyu ng diumano’y pagkakalabuan o paghihiwalay nila ng fashion editor GF na si Liz Uy.
Nilinaw ng aktor na going strong pa rin ang relasyon nila ni Liz at hindi totoong nagkakamabutihan sila ni Carmen Soo.
Simple lang ang sagot ni John Lloyd sa isyu ng hiwalayan nila ni Liz
“Going strong, yes!” mabilis na tugon ng bidang aktor ng I Love Betty La Fea.
Nagpaliwanag din si John Lloyd sa nasulat namin na he was seen with Carmen sa isang mall.
“Nasa Trinoma ako with a friend who happens to be Carmen’s friend, too. Nu’ng malaman ’yon ng friend namin, tinawagan niya si Carmen who, at that time, ay bumibili ng slippers. So, nag-join na si Carmen sa amin and we had lunch.”
That same day John Lloyd and Carmen bumped into each other sa mall, incidentally, ay birthday ng Malaysian actress.
Kukunin din namin ang reaksyon ni Carmen sa isyu ng involvement niya kay John Lloyd one of these days.