Maging ang entertainment press na nanood tawang-tawa sa mga eksena sa movie at ito naman talaga ang goal ng pelikula — ang magbigay ng kakaibang panoorin sa moviegoers na ikalilimot ng kanilang problema.
Pagbibiro nga ni John, ito raw ang klase ng movie na kapag napanood mo ay makakapag-decide ka na kung sino ang iboboto mong presidente. Ha-ha-ha!
“Nakakatanggal ng stress, nakakaiyak, may puso and at the same time, nakakatawa siya nang bongga,” say ni John.
Sobrang happy ni John sa nakitang live reactions ng audience na marami ang natawa sa movie.
“Kaya gustung-gusto kong uma-attend ng premier night, eh. Kasi hindi na ako kakabahan sa showing kumbaga. So, sana, please, hindi lang miyembro ng LGBT (lesbians, gays, bisexuals, transgender) ang dapat sumuporta sa pelikulang ito, dapat pati na rin ’yung lalaki’t babae, nanay, tatay or may mga kapatid, kamag-anak at kaibigang bakla, most likely mas maa-appreciate nila at mas maiintindihan nila kung ano ba talaga ang buhay namin,” say ni Sweet.
Sa movie ay may love scene ang komedyante kay Alex Medina at aminado si Sweet na talagang naturn-on siya sa aktor habang ginagawa nila ang eksena.
Sa movie ay maiksi lang ang love scene pero in actuality ay mahaba pala ito at binawasan na lang nila dahil gusto nga nila ng R13 na ratings ng MTRCB na nakamit naman nila.
“Diyos ko, talagang nadala rin ako sa eksena, kasi hinahalikan niya (Alex) ako talaga sa labi, wa siya care, ako talaga ’yung… ‘sandali,’ ako ’yung nahiya,” natatawang sabi ni John.
Kaya pagkatapos daw ng eksena ay tumakbo siya agad sa dressing room.
Showing na sa April 13 ang Echorsis at wish ni John na maganda rin ang makuha nilang grade sa Cinema Evaluation Board. Kahit wala raw silang trailer sa mga network, sobrang happy sila na ang trailer sa YouTube ay umaabot na sa 4 million ang views.
Kasama rin sa movie sina Kean Cipriano, Alessandra de Rossi, Kiray Celis, Chokoleit, Nico Antonio at marami pang iba, produced by Chris Cahilig of Insight 360.