John-Isabel nagsasama na bilang mag-asawa sa iisang bahay

    392
    0
    SHARE

    Mahigit dalawang buwang pinaghandaan ni John Prats ang kanyang marriage proposal sa kasintahang si Isabel Oli.

    Sa rami ng taong involved naging maingat siya sa kanyang surprise proposal na hindi ito mag-leak at nagtagumpay naman siya. Sa tulong ng events planner na si Charice Tinio, naisakatuparan ang lahat ng kanilang plinano for the much-talked about proposal.

    Mahigit dalawang daang dancers ang kasabwat at kasama na rin dito ang pamunuan ng Eastwood City kung saan ginanap ang proposal. Bukod sa engaged couple, tuwang-tuwa rin ang lahat ng taong nakasaksi sa animo’y shooting ng isang eksena ang kanilang nasaksihan.

    “It was too good to be true,” pahayag ng isang nakasaksi. “As if we were just watching a movie scene,” dagdag pa nito.

    “I was there with friends and we didn’t know what was happening so nakiusyuso na rin kami and there, we end up witnessing the proposal,” kuwento pa ng isang naka-witness sa `big moment’ na `yon sa buhay ng magkasintahang John Prats at Isabel Oli na nakatakdang magpakasal sa 2nd quarter ng taong 2015.

    Ayon kay John, kahit mag-asawa na sila ni Isabel ay hindi niya ito pipigilan sa kanyang trabaho bilang actress-model na makakatuwang na niya at ng kanyang pamilya sa kanilang mga negosyo kasama na rito ang kanilang family-owned school, ang Angel’s Montessori na matatagpuan sa loob ng Village East Executive Homes in Cainta, Rizal kung saan ang nakababatang kapatid ni John na si Camille Prats ang nangangasiwa.

    Although ang marriage proposal ay nangyari this year, ang kasal ng dalawa ay nakatakda next year pa to give the couple more time to prepare.John is 30 turning 31 on February 14, 2015 at magti-33 naman on October 20 this year si Isabel.

    Months before the proposal ay nakalipat na rin si Isabel sa same village in Cainta, Rizal kung saan nakatira ang pamilya ni John.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here