Bago umuwi pabalik sa San Diego, California, Joel Mendoza , an upcoming singer, met with some new press friends to sample some ditties na nilalaman ng kanyang unang album.
Well, kahit paano naman, satisfied ang press dahil nga maganda naman ang boses ni Joel lalo na nga’t mga sarili niyang compositions ang mga nilalaman ng bago niyang album, aptly titled, Pakinggan Mo Ako.
It contains songs like Pakinggan Mo Ako, Ikaw Lang Talaga, Kahit Hiram, One Heart, One Soul, at iba pang mga magagandang mga awitin.
Pero alam ba ninyong sa kita ng excitement ni Joel na kahit paano tinatanggap siya ng local music industry, may pinagdaaanan pala siyang malaking problema.
Joel Mendoza is afflicted with leukemia since 2009, at ayon mismo sa kanya, he has to go back and fro sa US upang magpagamot.
Yes, mabigat ang kanyang karamdaman at ayon sa kanya dumaan siya sa matinding depresyon pero sabi niya natanggap na niya ang lahat. “Doon naman lahat tayo patungo.
Ang maganda lang po, heto na ako sa music industry, natupad ko yung mga pangarap ko noong bata pa ako, at sa akin, sapat na yan, kahit na ako ay mawala na ditto sa mundo. With my album now, alam kong may maiiwan na akong pamana sa mga kababayan ko,” kuwento pa nito.
Sa kabila ng malungkot naman niyang pinagdaanan, naikuwento pa rin niya yung kanyang success bilang tao at ito ay kung paano siya nagkaroon ng kaunti nang makarating siya sa America.
“Mahirap lang po kami, nagtitinda lang po kami ng buro noong araw. Naniniwala akong di dapat talaga mawalan ng tiwala’ng tao na isang araw, bibiyayaan siya ng magandang buhay, sipag at tiyaga lang naman yan.”
Joel is now preparing for a solo concert at the Music Musem at yun ang isa sa mga dahilan ng pagbablaik niya dito sa Pilipinas matapos mapagpagamot sa US.
So there!