Pre-Valentine treat ng Star Cinema ang That Thing Called Tadhana na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban at JM De Guzman. Ang nasabing pelikula ay official entry sa nakaraang 10th Cinema One Original Film Festival na lubos itong pinuri ng mga kritiko.
Ito’y isang romantic comedy na nilagyan ng Pinoy na Pinoy na flavor. Sinabi ni JM na wala siyang special someone na makaka-date sa araw ng mga puso. Okay lang daw dahil busy naman siya. Naka-focus ngayon ang binata sa kanyang singing at acting career.
Nagpapasalamat nga si JM sa mga tao na hanggang ngayon ay patuloy na sumusuporta sa kanya. Masasabing second break na nga niya ito para pagbutihan ang trabaho. Hindiraw lahat nabibigyan ng ganitong chance, so, dapat daw mahalin at pahalagahan ang mga taong nand’yan at hindi siya iniwan sa laban ng buhay.
Hindi itinanggi ni JM na nagdaan siya sa matinding pagsubok kaya pangsamantala siyang nawala sa showbiz. It’s a journey in his life para mag-mature at maging bukas sa mga trial na darating. Pero this time going straight na raw siya at bibigyang halaga ang kanyang propesyon as an actor/singer.
Sa mga pagkakamali niya in the past marami siyang natutuhan. Mas lumawak daw ang pananaw niya sa buhay. This time, kailangan ni JM maging matatag para sa sarili niya at sa kanyang pamilya na hindi siya iniwan noong time na kailangan niya ang mga ito.
Nand’yan sila para damayan ang binata at ituro ang tamang daan para sa isang magandang kinabukasan. Maging si Mr. Johnny Manahan (Star Magic) hindi rin siya pinabayaan kaya nga nakabalik ito sa showbiz. Sa pagiging active ngayon ni JM sa showbiz mas lalo yata siyang sumikat bilang actor/singer.
Kaliwa’t kanan ngayon ang gig niya at tuloy-tuloy ang project nito sa ABS-CBN. Palibhasa magaling na actor/singer kaya malaki ang paghanga sa kanya ni Direk Antoinette Jadaone na siya ring sumulat ng That Thing Called Tadhana at ang blockbuster na pelikulang Beauty In A Bottle at Relaks, It’s Just Pag-ibig. Bilib si Direk sa acting power ni JM kaya hindi siya nahirapan idirehe ang actor.