Jinkee Pacquiao reyna ng mga retokada

    524
    0
    SHARE

    Totoo kayang sobrang insecurity ang dahilan kung kaya pagpaparetoke ng physical body ang naging paboritong pastime ni Jinkee Pacquiao. 

    Ngayon, kasi may tag bilang reyna ng mga retokada ang misis ni Pacman, sa rami ng procedures na ginawa sa kanya. Is it obvious na sabihing total overhaul ang pinagdaanang proseso kung bakit maganda ngayon si Jinkee?

    Na dati, bakas na bakas sa hitsura niya ang kahirapan, na kahit na mestisilyang bangus ito, amoy mahirap talaga siya.

    Pero ngayon, hitsura talaga ng isang starlet na trying hard sa beauty ni Jinkee?

    Hahaha?

    At pati ugali ni Jinkee, mukhang sumabay na sa pagiging retokada niya. Buong ningning na siyang nagsasalita na may kayabangan.

     Imagine, nakapagsasalita siya na bibigyan niya ng isang Hermes bag ang sino mang makapagpapatunay na na may babae ang kanyang mister. The height of being haughty, kumbaga. Bakit lingid ba talaga sa kanya na may mga babae si Pacman?

    At dahil nga kampante na si Jinkee na maganda siya ngayon, hindi na raw siya apektado anumang tismis ang kumalat tungkol sa di umano’y kahiligan sa mga chicks ng Pambansang Kamao. Na wala raw balak makipag-agawan pa si Jinkee Pacquiao sa natsitsismis na mga babae  ngayon ni Manny?

    Yes, hindi lang isa kundi marami ang mga babaing nali-link ngayon kay Pambansang Kamao. Na-link siya kay Princess Snell, na umano binigyan ni Pacman ng condo unit at sasakyan.   

    Dinenay na ito ni Princess, pero pogi at desirable yata talaga si Pacman kaya may tsismis pang nanganak na umano ang isa pang babae na kanyang ibinahay somewhere in Laguna.

    Tapos heto nga, may pumutok kamakailan lang na isa namang kolehiyala ang umano, ibinabahay ni Manny sa isang exclusive village sa Makati.  

    Ang sabi-sabi, hindi man daw nagpapakita ng pagkairita si Jinkee, halata naman daw na apektado ito sa tsismis.

    Ang lagi raw nitong ginagawa, magpaganda nang magpaganda, to the point na nagpaparetoke na (halos hindi na nga siya makilala), para lang  patunayan sa lahat na siya pa rin ang inuuwian ng asawa at nasa kanya ang kayamanan nito.
     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here