Kaya kung i-offer daw talaga sa kanya ay tatang-gapin niya.
“Sino ba naman ang hindi tatanggap nu’n? Sobrang pangarap kong mag-action pero kung hindi man ako, I’m sure ‘yung talagang tamang tao ang napili nila para sa role na ’yun,” say ni Jessy.
Wala rin daw problema sa kanya ang magsuot ng two-piece.
“Ako talaga, willing akong makipaglaban ng two-piece,” natatawa pa niyang say.
Pero kung hindi raw talaga para sa kanya ay okay lang naman din daw.
“Swerte kung sinuman ang mapipili,” she said.
Ang tsika ay may napili na ang ABS-CBN bilang kapalit ni Angel Locsin sa Darna pero hindi pa inaanunsyo.