Jericho Rosales lalaban sa aktingan kina Piolo Pascual at Boyet De Leon

    367
    0
    SHARE

    Nagkaroon na naman ng changes sa plano ng ABS-CBN dahil hindi na ang Lorenzo’s Time ni Zaijian Jaranilla ang ipapalit sa timeslot ng Budoy kungdi ang Nang Dahil sa Pag-ibig starring Piolo Pascual, Jericho Rosales, Cristine Reyes, Maricar Reyes and Christopher de Leon.

    Last Friday ay nagkaroon na ng promo shoot ang cast sa Studio 8 ng ABS-CBN. Inabutan namin doon sina Echo, Maricar, Boyet and Sandy Andolong.

    Nakaalis na raw si Cristine at si Piolo naman ay hindi namin nakita although naroroon din daw ito.

    In this occasion, nakausap ng press si Jericho Rosales na sobrang excited sa kanyang role na kakaiba naman daw kaysa sa karakter niya sa Green Rose.

    “Ako si Oliver Falcon, isang businessman na ampon ng Falcon family and siya ’yung may dark side sa story na ’to. Pero mabait siya, hindi siya kontrabida, meron lang siyang dark past na gusto niyang ayusin.”

    Hindi niya pa ma-reveal kung ano ang relasyon ng karakter niya sa karakter ni Piolo basta aniya, may malaki silang koneksyon.

    “Ire-reveal namin habang tumatakbo ang istorya, pero sa ngayon, bitinin na muna natin,” aniya.

    Hindi pa raw nakukunan ang mga eksena nila ni Piolo ganundin ang mga eksena nila ni Boyet pero sobrang saya niya na kasama niya ang dalawa sa hinahangaan niyang aktor sa industriya.

    Hindi ba pressure sa kanya na kasama niya ang dalawang mahuhusay na aktor natin?

    “Actually, mas masaya ako na ang kasama ko si Piolo at saka si Sir Boyet, it’s going to be much easier for me kasi, maganda ‘yung makukuha ko sa kanila, eh. I know these guys are veterans, ’di ba?

    “So, ’pag binigyan nila ako ng solid meat, ganu’n din ang ibibigay ko sa kanila. Walang tapon na parang ibibigay nila lahat ng kailangan mo because these guys won’t  give you less than what you expect.

    “So, since I am a team player, makakapag-come-up kami ng result na mas maganda. Hindi ko iniisip kahit kaylan kung sino ang mas magaling, ganyan, but I always want to give my best sa bawat eksena.”

    Inamin din ni Echo na matagal na niyang gustong makasama si PJ (nickname ni Piolo) sa isang proyekto.

    “Sa movie talaga ’yung pinagpre-pray ko na magkasama kami, and then, sabi nila, soap. As usual, medyo nagdalawang-isip ako kasi soap, medyo mahaba,maano, parang mabigat. Pero sabi ko, okey sige, nakita ko maganda ’yung story.

    “Second is the story nga, Christopher de Leon, Cristine Reyes, Maricar Reyes, Piolo Pascual, all of us in one great concept.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here