Jericho Rosales, Heart Evangelista inilantad na’ng tunay na estado ng kanilang relasyon?

    471
    0
    SHARE
    Noon pa man, may mga taong nagpapatunay na hindi naman talaga nag-break sina Heart Evangelista at ang kanyang BF na  si Jericho Rosales.

    Sa mga blind items, ping-uusapan nga ang sikretong laging pagtatagpo ng dalawa. Na maraming beses, na-i-spot-tan si Heart na dumadalaw sa Loyola Heights ni Jericho Rosales. Iniwan na raw kasi ni Jericho yung

    Antipolo house na ipinagagawa niya and just decided na sa Loyola residence niya tumira.

    Anyway, nag-ugat yung gulo supposedly nina  Echo at Heart sa selos na di umano, naging seryoso si Echo sa Malaysian actress na si Carmen Soo. Bu it turned out, peke lang pala’ng relasyon ni Echo kay Carmen at malinaw na publicity slant lang yung pagli-link nito kay Echo.

    The truth is, according to many sources, including the best friend of a brother of Echo na nakaalam ng detalye ng mga secrets ng pamilya ni Jericho Rosales. This source revealed to us early last year na pinag-usapan at scripted talaga ang hiwalyan blues nina Echo at Heart.  “Nang makahalata nga silang marami akong alam, nang minsang pumunta ako sa bahay ni Echo, para dalawin ang kaibigan kong kapatid niya na hindi ko alam, nasa Canada na pala, hindi na nila ako pinapasok, hanggang gate lang ako,” sabi pa ng source.

    Remember na minalas kapuwa sa kanilang career sina Echo at Heart nang panahong sila pa? Yes, iisa ang kanilang manager pero kahit anong gawin nito, wala siyang magic na nagawa at tuloy tuloy na nag-dive ang career ng dalawa.

    Ipinaglaban naman nila’ng kanilang pagmamahalan, di ba, umabot sa isumpa’t na-disown si Heart ng sariling pamilya for reasons na ayaw nila si Jericho. Okey lang kay Heart, ang mahalaga, mahal niya si Echo at handa siyang lumaban kahit kanino pa man para di lang mawala si Echo.

    Si lalaki naman, tinangka pang magbago ng linya. Na kahit di naman ganoon kagaling sa musika, nagtayo ng banda at nagpalabas ng album para kilalanin siyang musikero.

    To make the long story very short, na-zero kapuwa’ng  career ng dalawa at anumang proyekto ang dumating, laging flop. That meant na talaga namang sobrang kamalasan sa career ang inabot ng dalawa.

    Until biglang nagkaroon ng controversy sa dalawa.

    Nagising na raw sa katotohanan si Heart, na true yung sinasabi ng parents niya about Echo so humiwalay na lang siya.

    All the while, andiyan nga yung mga tsismaks na sila pa rin naman at talagang iniskrip lang yung kesyo hiwalyan nila.

    Pero alam ba ninyong tama naman yung move nila? Sinu

    At si Jericho, naka-bounce back, muling nabuhay ang career until he was voted as Best Actor sa recently concluded na 25th Star Awards For Movies for ng PMPC for his very fine acting sa Baler.

    Sa ngayon, may teleserye pang malapit nang simulan at ito ay paghe-herald na balik na sa eksena si Jericho.

    And Heart? Bida na siya ngayon sa isang afternoon soap ng GMA 7.

    Heto na naman ngayon, persistent dahil paulit –ulit yung di naman pala hiwalay ang dalawa.

    Na hangga ngayon, very visible pa rin ang dalawa.

    When confronted, sabi ni Echo, talaga naman daw nagkikita sila ni Heart every now and then, pero mga chance na pagkikita lang daw. Kumbaga, walang violent denial from Echo at kulang na lang talaga ay umaming sila na naman talaga ni Heart.

    The truth will soon be out. Kung talagang di sila tunay na hiwalay, lalabas at lalabas naman yun, hindi po ba?

    At kung talagang dakila’ng kanilang pag-ibig sa isa’t isa, wala naman talagang  dahilan para magkunwari silang hiwalay gayung di naman pala sila naghiwalay kailanman.

    Hindi ba, Mr. Obet?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here