Jennylyn Mercado walang paki sa balikang Angel-Luis

    342
    0
    SHARE

    SOBRANG GANDA ni Jennylyn Mercado nang humarap sa press para sa Rhodora X. Hindi mo iisiping galing siya sa sang heartbreak dahil sa separation nila ni Luis Manzano.

    “Nakatulong nang malaki ang pagiging busy ko sa trabaho kaya wala na akong time magmukmok,” paliwanag niya. “Very challenging ang role ko as Rhodora X na may multiple personalities. We got a psychiatrist to help us interpret the character.

    Dahil sa traumatic experiences niya sa buhay, Rhodora created other personalities to defend herself from people who want to hurt her. Pero dahil din dito, naapektuhan ang mga taong malapit sa kanya. Na-miss ko talaga ang umarte after doing mostly hosting lately. Kaya kahit sobra akong nahirapan sa role ko, enjoy pa rin ako.”

    “Rhodora X” is her reunion with Starstruck 1 colleagues Mark Herras and Yasmien Kurdi. “Kulang na nga lang si Rainier Castillo at buo na ang Final Four namin. Ten years na kami in the business and it’s nice to work with them again.

    We were able to maintain naman our friendship through the years, lalo na si Mark na kahit na may nakaraan kami, nanatiling mabait at reliable na kaibigan. I’m happy naman for Yasmien dahil nagbalik na siya sa showbiz.

    Sayang kung magre-retire lang siya kasi magaling siyang artista. Pareho na kaming nanay ngayon at napagkukuwentuhan namin ang mga anak namin. I’m glad na kasama rin namin si Mark Anthony Fernandez, who I last worked with in ‘Little Star’ in 2010. Napakahusay ring actor kaya masarap kaeksena.”

    Has she heard that Luis might reconcile with Angel Locsin? “Naku, 2014 na at very positive ang outlook ko sa buhay. Ayoko nang pag-usapan ang mga ganyan para good vibes. I just want to stay focus sa trabaho ko.

    I’m just happy that I’m so blessed dahil sunud-sunod ang projects na dumarating. So career na lang muna at ang anak kong si Alex Jazz ang priorities ko.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here