Jennylyn Mercado umayaw na sa GMA 7

    564
    0
    SHARE
    Abangan natin kung mapapangatawanan ng Siyete ang ‘di umano’y pangako nito kay Jennylyn na alagaan nila ito as far as project is concerned kahit na hindi na ito muling pumirma ng kontrata sa kanila.

    As it is, wala ng kontrata si Jennylyn Mercado sa GMA Artist Center, pero hindi na ito nag-renew ulit.

    Nilinaw ng manager ni Jen na as long  na hindi napapabayaan ng  GMA ang alaga ay  mananatili itong Kapuso. Ipinagtapat ni Becky Aguila, manager ng actress, na nakipag-partner siya kay Viva Boss Vic del Rosario sa pagma-manage sa career ni Jen.

    “Pero sa TV project,  ako pa rin. But, when it comes to her singing career, movies, recording or commercial, concert, partner na kami ng Viva,” pahayag ni Becky.

    Dalawang albums at dalawang pelikula in two years ang nakatakdang pirmahan ni Jen sa Viva Films. Naniniwala si Becky na hindi magkakaroon ng conflict sa Siyete, particularly kay Wilma Galvante, ang hindi nila pagre-renew ng kontrata dahil kinausap at ipinaalam daw nila kay SVP for Entertainment Madam Wilma ang pagpirma ng kontrata sa Viva as co-manager ng actress. At hindi kami mabibigla kung ilipat ni Becky ang alaga sa Dos kapag hindi na nasundan ang project ni Jen sa Siyete.

    Pero may hidden hitch ang kalagayan ngayon ni Bercky Aguila as far as sa naging co-manager nila ng Viva kay Jennylyn Mercado.

    Open secret na kasi yung hindi na naman talaga nakikialam si Becky sa career ni Jen, at itong pagpirma sa Viva ay si Jen ang may gusto. Kumbaga, nagpatangay lang naman sa agos si Becky for delicadeza. Hindi naman kasi magandang tingnan na parang nilayasan na siya ng alaga. Para sa kaalaman ng marami, kaunting komisyon na lang ang tanging nagdidikit kina Jen at Becky. Matagal na sila sa ganitong sitwasyon, at itong Viva ek na ito ay isang palabas na lang. Before we know it, solo na ng Viva Films ang pag-aalaga kay Jennylyn Mercado.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here