Jennylyn Mercado sumama sa lalaki kaya di sumipot sa sariling presscon?

    277
    0
    SHARE
    Unti-unti nang nagkakaroon ng hugis ang tunay na dahilan sa ginawang pambibitin ni Jennylyn Mercado sa sariling presscon ng kanyang birthday concert na gaganapin sana sa May 14 sa Music Museum.

    Bukod nga sa di pagsipot ni Jennylyn sa presscon, di rin siya sumipot sa SOP at Startalk na pareho sana siyang bibigyan ng birthday celebration ek. Kung tutuusin, talagang nakapagtataka na nambitin si Jennylyn  gayung sarili niya itong prescon?

    Anyway, ang unang hinala naming ay gimik lang yung di niya pagsipot. Kung gimik nga kasi, ayan at naging successful dahil marami kaming pumatol sa isyu. Aba, mantakin mo nga naman kung gaano kalaking libreng publisidad itong nakuha niya ngayon?

    Pero teka, may bangayan na naman ba sila ng kanyang manager na si Becky Aguila? Na totoo nga kaya yung narinig naming pormalidad na lang yung relasyon nila ni Becky Aguila dahil nga halos komisyon na lang ang nagiging konek nilang dalawa ni Becky. Kumbaga, deretso na si Jennylyn sa GMA 7 at wala ng karapatan si Becky na pamahalaan pa ang career ng alibughang alaga.

    Ang hinala naman namin ngayon, may di napagkasunduan sina Jennyly nat Becky kaya binitin ni Jennylyn ang mga promo dahil nga si Becky ang produ. Tiyak, pera ang isa sa mga dahilan kung bakit ayan  at nagmatigas si Jennylyn. Malinaw nga kasing wala namang masamang nangyari kay Jenylyn dahil all the while may konek siya sa GMA 7 at nangakong darating sa taping niya the next day. Latest nga itong sinipot ni Jennylyn ang taping ng Paano Ba Ang Mangarap. And if Jennylyn waa able to attend her taping, ano ba’ng dahilan kung bakit nawawala si Jenny ng dalawang araw na nataon mismo sa mga promo sortee ng concert niyang produced ni Becky Aguila?

    Your guess is as good as mine.

    Anway, isa pang teorya kung bakit nawala si Jennylyn ay dahi sa lalaki. It has been reported na natamaan sa isang simbahan sa Quezon City si Jennylyn na kasamang nagsimba si Andrei Felix sa mismong araw at oras ng mga dapat sana’y pupuntahan niyang guesting sa tv presscon.

    O di ba, halatang sinadya niyang bitinin ang mga kompromiso ni Becky Aguila

    By the way, nabigay na raw ng paliwanag si Jennylyn sa kanyang manager sa dahilan ng di niya pagsipor sa mga binitin niyang sortees.

    Nagpaliwanag daw si Jennylyn Mercado sa manager na si Becky Aguila hinggil sa pagkawala niya last Saturday and Sunday. “She explained that she wasn’t feeling well dahil bumalik na naman ang lagnat at migraine niya. Pagkatapos daw niyang ipagawa ang kanyang camera, umuwi raw muna siya at nagpahinga. Kaso, nakatulog daw siya at nagising around 12 midnight. Hindi raw alam ng nanay niya na nasa kuwarto siya dahil nasa room naman daw ito ni AJ. Natakot daw siya na magsabi sa akin kaya hindi na siya nag-reply kahit kanino,” pahayag ni Tita Becky.

    Ganoon kababaw?



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here