Although napabilang na noon sa Top 10 at nakarampa na rin, ngayon lang kinakabog ang Kapuso actress sa nalalapit na event.
Itinanggi nga lang ni Jen na personal niyang inimbitahan ang natsitsismis uli sa kanyang si Dennis Trillo upang pumunta sa gabing rarampa siya nang seksing-seksi.
“Hindi ko siya inimbitahan! Maski pamilya ko nga, hindi ko inimbitahan, eh. Basta sa ngayon, diet talaga lang ang ginagawa ko para sa event na ’yon!” pahayag ni Jennylyn.
Lumalabas na taon kasi ngayon ni Jen. Mabenta siya sa movies at pina-plug na ang My Faithful Husband nila ni Dennis.
Tina-tapos ng aktres ang movie na Pre-Nup kasama si Sam Milby at magsisimula na rin siya ng Walang Forever kapareha si JM de Guzman para sa 2015 MMFF.