Jennylyn Mercado keeps an eternal friendship with Mark Herras

    463
    0
    SHARE

    AS EXPECTED, natanong kay Jennylyn Mercado sa presscon ng Rhodora X last Monday ang tungkol sa nakaraan nila ni Luis Manzano lalo na nga ngayong mainit na pinaguusapan ang pahayag ni Angel Locsin na mahal pa nito ang aktor/host.

    “Sa ngayon, basta ang importante sa akin ngayon, ’yung trabaho ko and I thank GMA-7, my family, of course, my kid, my friends na parati talagang nandiyan. “For now, I don’t wanna talk about it and kung meron mang isyu about them, siguro sila na lang ang tanungin n’yo kasi ako, wala na ako sa posisyon para magsalita,” say ni Jen.

    Hindi naman siya nasasaktan? “Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Basta, ano lang, sa ngayon, ayoko na
    muna ng… kumbaga, wala munang complications, wala itong kinalaman sa akin or kahit kanino, basta ako, out na ako diyan.

    “Kung meron man kayong gustong itanong, sa kanila n’yo na lang itanong. Huwag na lang sa akin,” ulit ng aktres. Nabiro nga si Jen na since tila uso ngayon ang mga nagkakabalikan, may chance din ba sila ng reconciliation ni Mark Herras na leading man niya rin sa Rhodora X?

    Si Mark ang first boyfriend ni Jen sa showbiz at two years din ang naging relasyon nila. Sabay silang nagsimula sa showbiz, sabay na nagkapangalan because of their loveteam at ninong din siya ng anak ni Jen na si Alex Jazz.

    “Gusto ko lang i-clear, kasi ang daming nagtatanong sa akin, tutal nandito na rin si Mark para marinig niya,” say ni Jen sabaytawa, “kasi ’di ba, usually, ang relationship, hindi natin masasabi kung ano ba talaga ang mangyayari. Kung kayo ba talaga or hindi.”

    “’Pag friendship, forever ’yan. Gusto ko lang sabihin na special ang friendship namin ni Mark at ayokong mawala ’yun. Ganu’n siya kaespesyal. Gusto ko ’yung friendship namin, hanggang forever ’yan.

    “Gusto kong i-keep ang friendship namin,” she said. Basta raw sa ngayon, ang priority niya ay mag-concentrate sa Rhodora X dahil napaka-challenging ng role niya bilang si Rhodora and Roxanne na iisang tao lang pero may split personality.

    “Very challenging and interesting talaga. And kakaiba talaga. Bagung-bago siya sa Philippine television.

    Challenging ’yung character ko as Roxanne kasi she’s the bad side, eh. “And si Rhodora naman, sobra namang mahiyain, sobrang kimi, hindi makalaban.”

    Magsisimula na sa Jan. 27 ang Rhodora X sa primetime slot ng GMA-7.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here