“Mahirap ’to, ha, grabe talaga. Pero sapat ang pagkain ko, binabawi ko na lang sa workout,” say niya. Work-out ang sikreto ni Jen kaya napapanatili niyang sexy ang kanyang pangangatawan. Hindi raw siya istrikto sa kanyang diet.
“Kahit ano, kinakain ko na. Kung anong meron diyan, kinakain ko na, basta kailangan ko lang siyang pagtrabahuhan,” say pa ni Jen.
Sa ngayon ay grabe ang pagka-busy ng aktres dahil bukod sa may teleserye siya sa GMA-7, ang My Faithful Husband with Dennis Trillo na magsisimula na ngayong gabi, may dalawa siyang pelikulang ginagawa.
Nagsimula na siyang mag-shooting ng Walang Forever with JM de Guzman na intented for Metro Manila Film Festival. May ilang shooting days pa siyang natitira sa PreNup kung saan ay kasama naman niya si Sam Milby.
Three times a week naman ang taping niya ng My Faithful Husband kaya say niya, talagang hindi na raw niya alam kung paano hatiin ang oras niya.
Ang anak niyang si Alex Jazz ay sinasama na lang daw niya sa tapings.
“Dinadala ko na nga lang si Jazz sa trabaho, ganu’n po ka-exag (exaggerated) ha, umuuwi lang ako para lang maligo,” she said.
Ano ang reaksyon ni Jazz kapag nakikita siya with Dennis?
“Hindi pa po siya nanonood ng… ’pag dinadala ko po siya sa taping, hindi ko siya dinadala sa location.”
Siyempre, happy si Jen sa lahat ng blessings na dumarating at wish niya na magtuluy-tuloy ang lahat ng mga biyayang ito para mabigyan niya ng magandang future ang kanyang anak.