Kinuha namin ang reaksyon ni Mark Herras sa pagka-comeback ng dating ka-love team na si Jennylyn Mercado.
“Natutuwa nga kami sa tao dahil ‘pag kumakanta si Jen, iba pa rin ‘yung tanggap ng tao. Kahit alam nila na may anak na. Nagkamustahan lang kami sa SOP, okey naman,” bungad ng bida ng digifilm na ‘Sapi’ with Aiza Marquez, Stella Peñalosa, Joel Torre, Keanna Reeves na palabas sa November 5.
Sa mga nakasama mo sa tv at pelikula, sa palagay mo, sino ang may sapi?
“Si Jen, dati may sapi ‘yun,e! Bigla na lang nagagalit,e! Pero at least ‘yung baby niya ngayon ang pinaka-blessings niya kaya tumatakip ngayon ang baby niya sa mga problema niya.
Ano ang feeling ngayon na ‘yung dating girlfriend ay may anak na?
“Wala naman po. Pero siyempre, iniisip ko rin na sana nga ‘yung bata ang maging way para maging okey si Jen, di ba? I mean, marami pa ring naging problema si Jen na sana ‘wag na niyang pansinin. ‘Yung mga problema, sana ‘wag na niyang masyadong isipin.
Parang, intindihin na lang niya ‘yung bata.
“Kung si Jen meron nang anak, okey lang. Wala naman akong naiisip na masama,” aniya pa.
Okey lang sa iyo na maging step-father ng anak ni Jen?
“Hindi pa, ayaw ko pa maging tatay. He!he!he!
Malaki na raw,e! Ninong ako puwede pero maging step-father ni Jazz, ayaw ko.He!he!he!,” tugon niya.
Marami kasi ang nagsasabi sa ending kayo pa rin ni Jen?
“Hindi natin alam kasi iba naman ang takbo ng panahon. Hindi ko naman hawak…. (ang mangyayari sa future?),” aniya.
Tinanong din ang naudlot na pagkaka-link niya kay Katrina Halili. Sabi raw ni Katrina, hindi niya alam ‘yung MU stage nila noon.
“Hayaan natin . Huwag nating pilitin,” reaksyon niya.
Anyway, friends pa rin naman sila ni Kat at special guest si Mark sa concert niya sa Metro Bar, West Avenue, QC sa Nov. 15 (Saturday) titled ‘Katrina 4 D First time’ kung saan kasama ang apat na singers/ actors na sina Erik Santos, Joross Gamboa, Ronnie Liang at Dr. Hayden Kho. Ito ay sponsors ng New Placenta, Olive C , Psalmstre Enterprises , Inc., Belo Medical Group, Queen Petals, JP Rizal Extension , Makati. For inquiries pls. Call 09236491784,4674088 . Mabibili na rin ang tiket sa Ticketnet (tel.# 911-5555).
Next year ay ibabalik na rin ang love team nila ni Jennylyn Mercado kung saan ay magsisimula sa Dear Friend at ‘Obra’. May bulung-bulungan din na sila ang gagawa ng TV remake ng ‘Tinik Sa Aking Dibdib’.