Jennylyn excited kay John Lloyd

    610
    0
    SHARE
    ALTHOUGH nakatrabaho na ni Jennylyn Mercado ang dalawang Kapamilya actors na sina Sam Milby sa pelikulang “Pre-Nup” ng Regal Films at Jericho Rosales sa “Walang Forever” ng Quantum Films, first time ng Kapuso star na gumawa ng pelikula sa bakuran ng Star Cinema, ang “Just the Three of Us” na pinagtatambalan nila ni John Lloyd Cruz at pinamamahalaan ng box offi ce director na si Cathy Garcia-Molina.

    Para sa promo ng movie, tiyak na magi-guest si Jennylyn sa ilang programa ng Kapamilya Network tulad “ASAP,” “Magandang Gabi Vice” at “Tonight with Boy Abunda” kahit isa siyang certifi ed Kapuso.

    Masaya siyempre ang nakabalikang girlfriend ni Dennis Trillo dahil nakagawa siya ng pelikula sa Star Cinema sa kauna-unahang pagkakataon with no less John Lloyd as her leading man.

    Given the chance, gusto rin siyempre ng awardwinning singer-actress na makatrabaho rin ang iba pang Kapamilya stars tulad ni Piolo Pascual.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here