JC Tiuseco pinag-aagawan nina Pauleen Luna at Maxene Magalona

    412
    0
    SHARE
    Lalaki ang dahilan ng matinding alitan nina Pauleen Luna at Maxene Magalona. Yes, very bitter si Maxene sa alaga ni Lolit Solis dahil nga kamuntik nang maagaw sa kanya si JC Tiuseco na in the first place ay idine-deny naman niya. Pinaiikot tayo lagi ni Maxene na nagsasabing friends lang daw sila ni JC.

    Pero heto na nga , napakapait ng nadarama kay Pauleen na kulang na lang ay sabunutan na niya. 

    Anyway, humaba ang away ng dalawa dahil nga kinuyog na si Pauleen ng Ampalaya Anonymous na kagrupo ni Maxerne. Kumbaga, sumali sa away sina Cristine Reyes, Bubbles Paraiso at iba pang mga gaya ni Maxene ay may tinatagong kapaitan sa buhay. Kaya nga sila binansagang Ampalaya Girls, no!

    Anyway, di naman basta patatalo si Pauleen sa kanila. Halatang lumalaban siya kahit pailalim at hindi basta-basta hahayaang makuyog siya ng mga hitad na kaibigan ni Maxene.
    Pero heto nga , as of late, cast kapuwa sa iisang teleserye sina Maxene at Pauleen kaya talagang obligado silang maging civil sa isa’t isa sa kanilang paghaharap.

    At kahit sinikap nilang  maging civil, halatang naroon pa rin ang irita factor nila sa isa’t isa, huh!

     Eh, ngayon magkasama  sina Maxene at Pauleen sa  isang afternoon drama series ng  GMA7.  Aba, halatang nag-iiwasan naman ang dalawa sa video footage sa idinaos na story conference.

    Nu’ng tanungin si Maxene, sinabi naman niyang bukas siya sa anumang posibilidad na maging okey sila ni Pauleen.

    Na baka maging  close rin daw sila tulad ng ibang mga  co-stars nila. Kaplastikan naman kung maging super-friends sila agad.

    Sa totoo lang,  ang  hirap  magtrabaho  na  mabigat ang loob mo sa isang tao. Pero hanga kami sa ipinapakitang professionalism ng dalawa.

    Kaya kaabang-abang ang mga eksena nila sa  drama series at may sampalan  blues kaya?


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here