JC De Vera natsitsismis na pumapatol sa bading pero galit daw sa bakla?

    4431
    0
    SHARE

    Nauna nang napatsismis na pumatol daw si JC sa isang bading na paminta. Ayon sa nabalitaan namin, ang husay daw sa sex ni JC at talaga namang sa kuwento ng bading naka-sex niya, ubod siya ng galing. Top daw ang drama niya pero may pasakalye yung tsismosang bading na tila may pagkabading din daw si JC.

    But of course, plain rumor yun at hindi masasabi talagang true yung ipinamalita ng pamintang bading.

    At mismong kay JC galing yung statement na homophobic siya’t hindi mahilig makipag-bonding sa mga bading.

    Kaya naman daw siya ganoon ay dahil lumaki raw siya sa lugar nila sa Parañaque na walang nakikitang mga gays sa paligid  kaya ilang siya sa mga bading.

    Iilan lang ang mga gays na nakita niya sa school niyang Colegio De San Agustin at hindi siya pinapakialaman ng mga ito.

    Kaya nagkaroon siya ng culture-shock nang pumasok na siya sa showbiz at nalaman niya na 80% ng mga tao dito e mga gays, mula sa producers, TV execs, directors, writers, wardrobe, production designers, reporters at kahit mga artista mismo!

    Kaya unti-unti na rin siyang nasasanay sa gays pero huwag na huwag lang daw siyang hahawakan ng mga ito.

    Nagkaroon na raw siya ng isang traumatic experience na kamuntik na siyang makasapak nang ninakawan siya ng halik ng isang gay fan. Hindi na lang niya tinuloy dahil naawa naman siya dito.

    Okey lang daw ‘yung mga babaing fans ang humalik sa kanya, huwag lang daw ‘yung gays.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here