Marami ang hindi payag sa naging desisyon sa competion ng unang Pinoy Idol nang si Gretchen Espina nga ang nanalo. Lalo na nga sa Pampanga, where Jayann hails, sari-saring negatibong komento ang narinig namin. Mas gusto nilang manalo siyempre si Jayann dahil kababayan nila ito.
Pero dahil si Gretchen ang nanalo, pinapalagay na pinulitika lang ng kanyang kampo si Jayann dahil nga congressman nga ang ama nito.
Sa malas naman, handa na si Gretchen sa mga intriga, para sa kanya, siya’ng winner at wala ng iba pa.
Heto na ang first intriga. Nang siya ang i-announce na winner, mas malakas pa ang pagtsa-chant ng mga supporters ni Jayann kesa reaction ng mga supporters niya. Ano ang masasabi niya rito?
“May kanya-kanya naman po kaming supporters,” sagot ni Gretchen. “Nagpapasalamat po ako sa mga taga-Biliran Eastern Leyte dahil alam kong sinuportahan nila ako, based na rin po sa warm welcome nila sa akin nang magkaroon ako ng homecoming during the competition. Gusto ko na rin po sanang makauwi agad sa Biliran para personal silang pasalamatan, pero marami pa po akong dapat gawin dito.”
Paano kung hindi siya ang nanalo kundi si Jayann? “Kung hindi po ako ang nanalo, yun lang pong nakarating ako hanggang sa finals, sapat na po ‘yon sa akin.”
Ngayong siya na ang grand champion, handa na ba siyang pumasok sa showbiz at sa pagdating ng intriga sa kanya?
“In a way po, I’m ready nang tumanggap ng criticisms dahil I belong to a political family at marami na po talagang intriga. Pero aaminin ko po, I’m still learning pero kakayanin ko po,” pahayag ni Gretchen.
Ngayong tapos na ang competition, ano ang gusto niyang gawin bilang first Pinoy Idol?
“Alam ko pong napakalaking pressure sa akin ang title na ito, pero sisikapin ko pong maging karapat-dapat, someone na iidolohin talaga ng mga tao,” sagot niya.