Kinu-question ang pagbibigay ni Kuya Germs sa Japanese actor, singer at businessman na si Jacky Woo ng Walk of Fame.
Ipinagtanggol niya si Jacky Woo. “Tulad nga ng sinabi ko, hindi tayo nagdi-discrimate dito. Welcome para sa akin ang mga taong nagbibigay ng halaga sa ating mga Pinoy.
Marami ang nagsasabi na deserving naman ang Japanese actor/businessman dahil kahit banyaga siya ay pusong-Pinoy naman at malaki ang naitulong sa naghihingalong movie industry kumpara sa ibang Pinoy artist natin.
Ilang beses na rin siyang nagprodyus ng mga pelikula at nakapagbigay ng trabaho sa mga kababayan natin. Nagpatayo pa siya ng school building sa Nueva Ecija para sa mahihirap na bata na gustong mag-aral.
’Yung mga kumu-question kay Jacky, alamin muna nila kung ano ang nagawa at naitulong ni Jacky sa bansa bago sila mang-intriga.
Isa ngang nakakabilib kay Jacky Woo ay ipinagmamalaki niya ang Pilipinas sa ibang bansa at vision nito na makilala ang ating bansa sa buong mundo.
Everytime na may gawin siyang pelikula, gusto niya sa ’Pinas gawin. Tulad nitong isang international movie entitled Temple of Kali na iso-shoot sana sa Japan pero nirekomenda ni Jacky na kunan na lang ito sa ’Pinas.
Nag-location hunting ang mga producers na sina Jeff Beach at Mike Sano at nagustuhan nila ang Tanay at Palawan. Perfect daw ang bansa natin para kunan ang mga maaksyon nilang eksena.
Nagkaroon din ng audition sa mga Pinay actress para mapasama sa pelikulang ito sa Imperial Palace nu’ng Saturday. Maghahanap din daw sila ng 12 actors na isasama sa pelikula at magsisimula sa March, 2011 ang naturang pelikula. Filipino director din ang gagamitin nila para sa second unit nito.