Japan Philippine Fiesta held in Yokohama

    214
    0
    SHARE

    Mismong ang kabalen nating si Ms. Marikho aka Thess Manialung ang nagbalita sa aming  malaking tagumpay ang ginanap na two-day Barrio Fiesta event ng Philippine Embassy (Japan) sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang FilCom organizations sa Japan.

    Ito’y ginanap sa Yamashita Garden sa Yokohama, Japan nung nakaraang Sabado at Linggo (September 1 and 2) na dinayo ng ating mga kababayan na nanggaling pa sa iba’t ibang lugar ng Japan. Ms. Thess herself, even allotted time para nga mapanood ang two-day event.

    This is one time, according to her na nagba-bonding silang mga Pinoy sa Japan.

    Bihira naman kasi mangyari ang mga ganitong okasyon kaya malalayo man sila ay nagi-effort talaga sila na makadalo para naman maibsan ang kanilang pangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas at muling maranasan ang fiesta atmosphere kahit nasa ibang bansa sila.

    Ang isa pang dahilan ng kanilang pagdalo ay para makita nila ng personal at makadaupang-palad ang mga kilalang celebrities mula sa Pilipinas tulad nina Pops Fernandez, Christopher de Leon, Ariel Rivera, Allan K., Lovi Poe at Giselle Sanchez.

    Ms. Thess had a bonding session with the stars at may kanya-kanya siyang analysis tungkol sa attitude ng mga artistang nabanggit. Of course natutuwa siya sa kabaitan nina Lovi Poe, Allan K at Ariel Rivera, pero yung isang pa-star daw sa tropa ay talagang maarte at may star ek ek.

    Kinikilig naman daw si Ms. Thess kay Ariel Rivera na guwapo pa rin daw at napakahusay kumanta hanggangs a ngayon.

    Amuse na amuse naman siya sa kakikayan ni Gisselle Sanchez.

    Ms. Thess Manialung is from Sapangbato in Angeles City and although halos thirty years na siya sa Japan, regular pa rin siya umuuwi to bond with her family and friends here in Pampanga. Very supportive din siya sa mga events ng mga kaibigan niya rito sa atin.

    Friend siya ni idol Sonny Lopez and it was through him that Ms. Thess and I met sa isang pag-uwi niya rito some few years ago.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here