“ What? Sa mall? Kaibigan ko lang ‘yun kuya. Anak ng…. Ang tanga ko naman kung makikipag-holding hands ako sa mall,” pagdi-deny sa text ni Janelle.
Ano ang real score sa kanila ni Jordan?
“Naku, nakakahiya sa bf ko kuya. Madalas nilang nakikitang nakakasama ko ‘yun, pati sina Gene Padilla. Ako lagi ang host at singer sa basketball nila,” text pa niya.
Nagpunta raw sya sa Pandi, Bulacan dahil may show raw siya that time.
Anyway, host sa April 25 si Janelle sa Super Bodies Bikini Open Year 4 sa Techno Wave Bar, Il Terrazzo Bldg., Tomas Morato katuwang si Richard Pinlac. Guests din sina Maureen Larrazabal, Thea Aquino, Will Sandejas at ang all male group na Cappuccinos.