OLONGAPO CITY – Pinaghahanap na ng pulisya ang isang tindero ng isda matapos itong tumakas makaraang barilin ang isang janitor sa loob ng SBMA.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rico Colico, 47, tindero ng isda at residente ng Block 24, Waterdam Road, Barangay Gordon Heights ng nasabing lungsod.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nagtungo ang suspek sa bahay ng biktimang si Feliciano Espinosa, 39, isang janitor sa SBMA at kabarangay ng suspek para komprontahin, subalit paglabas ng bahay ng biktima, sinalubong ito ng magkakasunod na putok ng baril.
Ang biktima ay sumasailalim sa operasyon sa James Gordon Memorial Hospital bunga ng mga tinamong tama sa likurang bahagi ng katawan at kanang mukha mula sa kalibre .38 baril.
Sa isinagawang imbestigasyon ng scene of crime operatives, nakarekober ng dalawang slug ng bala sa pinangyarihan ng insidente.
Nagpapatuloy naman ang isinasagawang follow up operation ng pulisya sa agarang ikadarakip ng suspek.