James Blanco di pumapatol sa bakla

    669
    0
    SHARE
    Noon pa pinagdududahan si James Blanco na alaga ng isang bakla. Pero siyempre, tsika lang ito at hindi napatuanyan.

    Duda ng ilan, si James Blanco ang napagkakamalang actor na alaga ng isang abugado. Kapanahon  at medyo hawig kasi sila kaya napagkamalan siguro si James na siya yun.

    Anyway, tigas na pagtanggi ni james nang dumalo ito sa presscon ng Nagbabagang Bulaklak kamakailan lang. Isa si James sa mga bida nito.

    “Wala po akong gay benefactor,” ito ang mariing pahayag ni James Blanco.

    Nawala siya sa showbiz dahil nag-asawa siya’t nagkaroon sila ng negosyo.

    “Nagtayo po kami ng parlor,” ani James. “Dati po, may kaunting lending kami, pero ang hirap po maningil. Kaya ngayon, lumalaki na po ang dalawang anak namin ng misis ko, kaya gusto ko pong mag-artista uli at mag-concentrate dito.”

    Ano naman ang nabago sa kanya ngayon na may asawa na siya?

    “Hindi na po mainitin ang ulo ko ngayon,” aniya.

    Mabuti naman. Dahil kung mainitin pa ang ulo niya, baka hindi niya nagustuhan ang tanong namin tungkol sa gay benefactor.


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here