Jake Vargas di naniniwala sa mga issues laban kay Bea Binene

    403
    0
    SHARE

    HINDI nagbago ang pagtingin ni Jake Vargas kay Bea Binene sa kabila ng mga negative issue rito. Para kay Jake, hindi ito kapanipaniwala.

    Mas close sila lalo ngayon na magkasama  sila sa bagong soap ng GMA7, ang Cielo de Angelina na kinukunan ngayon sa Talisay, Batangas.

    Ani Jake: “ Masyadong maalalahanin sa akin si Bea, kaya ganu’n ko siya nami-miss kapag wala kaming taping.

    ‘Di ako nakasama sa Luna Blanca, pero nang nalaman kong may  Cielo de Angelina kami ay natuwa ako."

    Kahit si Jake ay 18 na ngayon, hindi pa rin daw niya maligawan si Bea dahil ang ka-love team  ito ay 14 pa lang.

    Ayaw pa rin ng mother ni Bea na si Mommy Carina  na nililigawan ang anak.

    Ang Cielo de Angelina ay ipapalabas bago ang Eat Bulaga. Kaya mas mapapaaga ang timeslot ng Kusina Master ni Chef Boy Logro. Magiging pre-programming naman ng  Cielo ang revival soap na One True Love. 

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here