Jake, umaming nagdi-date sila ni Lovi

    410
    0
    SHARE

    Hindi maitatatwa na malaki ang improvement ng acting ni Jake Cuenca  mula nang maging artista siya ng ABS-CBN 2.

    Nakatanggap siya ng Best Supporting award sa PMPC Star Awards for Movies  para sa “In The Name of Love’at ngayon ay pinupuri ang galing niya sa pag-arte sa pelikulang ‘"Kung Ako’y Iiwan Mo".

    Dati  ay  nainsulto siya dahil mayroon siyang isang show na  pinapanood ang playback. Hindi namalayan na nandoon siya at sinabing  mag-model na lang siya, hindi dapat mag-artista.

    Makikipagtagisan din siya ng acting sa bagong serye niya na "Kahit Puso’y Masugatan"  with Andi Eigenmann ,Iza Calzado at Gabby Concepcion.

    May challenging role din siyang gagawin sa isang pelikulang ididirek ni Joel Lamangan. Isang gay  ang role niya kasama ang rumored girlfriend niyang si Lovi Poe.

    Excited siyang makatrabaho si Lovi pero hanggang ngayon ay hindi sila umaamin sa tunay nilang relasyon.

    Basta lumalabas daw sila pag nagkikita.

    ‘Yun na!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here