Itinanggi ni Jake Cuenca na naghalikan sila ni Cristine Reyes sa bahay ni Angelica Panganiban.
“Hindi totoo ‘yun. Naghalikan kami roon lang sa eksena namin dati sa Bud Brothers. Bale magkakasama kaming lahat sa bahay ni Angelica. That was social gathering na hindi lang naman kami ang mga tao roon. Marami kaming grupo na magkakaibigan na nandoon. That’s a simple inuman. Lahat naman ay umuwi nang maaga. Basta walang naganap na halikan sa amin ni Cristine,” paglilinaw niya nang makatsikahan namin siya sa Hug Me Campaign, proyekto ng Psor Phil. na ipinaliwanag na hindi dapat iwasan ang mga taong maysakit na psoriasis dahil hindi naman ito nakahahawa.
Nalasing–lasing na raw sila kaya naghalikan? How true?
“Hindi…wala. Wala namang naganap na ganoon,” pagtanggi pa niya.
So, kanino ang Hug Me? Para kay Melissa Ricks o kay Cristine?
“Para sa mga bagets dito ngayon,” natatawa niyang sagot at pag-iwas.
Ano ang reaksiyon niya na nili-link ngayon si Melissa kay Jolo Revilla?
“Sana alagaan siya ni Jolo, ‘di ba? Gaya ng sinabi ko noon, kung sino man ang maging boyfriend ni Melissa, napakasuwerte talaga, you know? Kung mayroon man akong gugustuhin para sa kaibigan ko, gusto ko makahanap siya ng mabuting tao. At si Jolo naman ay isang mabuting tao.” aniya.
Ibinalita sa amin ni Jake na balik tambalan sila ni Roxanne Guinoo sa Your Song Presents: Sana’y Ikaw Pa Rin.