Jackie Rice patuloy pa ring pinagtsitsismisan sa Olongapo City

    858
    0
    SHARE
    Kasagsagan ng malakas na ulan na dulot ng Ondoy, nasa Olongapo City kami at ginagalugad ang mga entertainment houses doon kasama ang ilan pang reporters na tumungo nga sa SBMA sa imbitasyon ni Roel Villarcorta kaugnay ng pagpakita sa press ng mga magandang bagay tungkol sa SBMA.

    Inabot nga kami ng bagyo sa Subic pero na-enjoy pa rin naming ang paglalamiyerda sa Olongapo City.

    Sa mga bar na napuntahan namin, marami kaming nakakuwentuhang mga taga-roon who provided us with tidbits tungkol kay Jackie Rice.

    Kahit pala sa kanilang bayan, baguhan pa lang siya noon sa Starstruck, hindi na tinantanan ng mga ugly rumors si Jackie Rice. Marami raw lalaki ang naiugnay sa kanya noon man, kaya hindi sila nagtaka kung bakit nagkaroon ng image na pasaway si Jackie Rice.

    “Pokpok daw siya, ayon sa maraming intriga, pero siyempre kami, ‘di naniniwala. Alam namin noon pa man na posibleng manalo ng grand prize sa Starstruck si Jackie Rice at naniniwala rin kaming maraming tao ang nagtatahi-tahi ng tsismis para lang ilubog siya. Kawawa naman si Jackie Rice,” himutok pa ng aming kausap.

    Hindi naman alam ng aming kausap kung bakit hanggang ngayon ay ayaw pa ring tantantan ng tsismis si Jackie Rice gayung full-pledged actress na ito.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here