Jackie Rice niregaluhan ng MAZDA ni PACMAN

    631
    0
    SHARE
    Iniintriga si Jackie Rice kung saan ay nali-link kay Manny Pacquiao pagkatapos nilang gawin ang ‘Pangarap Kong Jackpot,’ isang trilogy movie nina idinerek ni Carlo Caparas at prodyus ni Tita Donna Villa in partnership with PCSO in connection with its 75th anniversary.

     “ May mga nagsasabi pero hindi naman talaga,e!,’ pagkla-klaro niya.

    Paano niya maipapaliwanag ang tsismis na niregaluhan siya diumano ng Mazda ng  Boxing Champ.

    “ Ay hindi po totoo ‘yun. Kasi  ibenenta ko po ‘yung dati kong kotse at  pinambili ko ng Mazda ko,” aniya pa.

    So may Mazda siya talaga?

    “Opo. Pero ni piso ay wala po siyang inabot dun,”pagka-klaro pa niya.

    Hindi ka ba natatakot kay Jinkee na nauugnay ka ngayon kay Manny?

    “Ay hindi po. Wala siyang dapat isipin dahil malaki ang  respeto ko po sa kanya at sa mga anak niya at kay Mr. Manny Pacquiao po.”

    Pero posible bang ma-inlove siya sa isang Manny Pacquiao kung wala siyang asawa?

    “Ahhh…sobrang bait niya. Wala naman akong masasabi dun. Pero ayaw ko pong isipin ‘yung mga love love ngayon, e! Trabaho ko muna talaga.Saka na ‘yan. Darating naman talaga ‘yan,” deklara pa niya.

    Mariin din niyang sinabi na zero ang love life. May mga nanliligaw pero trabaho muna raw siya.

    Anyway, tatlo ang istoryang nakapaloob dito namely: ‘Hawak Kita, Hawak Mo Ko,’  ‘Sa Ngalan Ng Busabos’ at ‘Hiwaga Ni Lolo Hugo’. Star-studded ang naturang pelikula na hindi mo sukat akalaing puwede palang mapagsama ang mga malalaking artistang gaya nina Jake Cuenca, Eddie Garcia, Joel Torre, Gina Pareño, Caridad Sanchez at Manny Pacquiao.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here