Jackie Rice di pa handang pakasal

    310
    0
    SHARE

    DINADAAN ni Jackie Rice sa biro ang sagot niya kung kelan sila pakakasal ng non-showbiz boyfriend niya. Matagal na kasi ang kanilang relasyon na dumaan na rin sa mga pagsubok lalo na last year.

    “Wala pa. Ayaw pa niya akong pakasalan! Joke! Ha! Ha! Ha! Wala pa. Ayaw pa niyang magkamali! Ha! Ha! Ha!” sabi ni Jackie nang makausap namin sa presscon ng bago niyang show na Bukod Kang Pinagpala sa GMA afternoon block.

    Wala pa raw silang ipon. Marami pa raw silang gustong gawin sa buhay. Pero aniya, “Kung sure na kami na, kami na nga, puwede na. Ayoko naman ’yung maghihiwalay gaya ng parents ko! Ha! Ha! Ha!”

    Rason pa ni Jackie, batang-isip pa siya at natutuwa naman siya dahil naiintindihan siya ng boyfriend niya.

    Mabuti naman at hindi siya nagreklamo sa GMA dahil natagalan bago nasundan ang last soap niyang Kasalanan Bang Ibigin Ka?

    “Hindi naman kailangan ng ganoon. Happy naman ako. May Bubble Gang ako until now, tapos, heto. Bakit ko pa hahangarin ang more? Baka ’pag naghangad ako ng more, mawala pa."

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here