Iza Calzado pang-award ang akting sa pelikula ni Joel Lamangan

    454
    0
    SHARE

    Kung baguhan lang si Iza Calzado, puwede nang sabihing breakthrough ang powerful portrayal niya bilang girlfriend ng aktibistang ginampanan ni Allen Dizon sa Dukot na pelikula ni Joel Lamangan. Pero dahil nga naging best actress of sort na nga siya sa Milan bilang nawawalang asawa ni Piolo Pascual, kuwalipikado na siya talaga bilang mainstream best actress in this movie comes award-giving season.

    "Napaka-lavish naman po ng mga papuri. Sa akin po, I just did what I had to do, kasi nga, inspired naman ako sa ganda ng story at siyempre, po sa guidance ni direk Joel Lamangan," nakangiting salita pa ni Iza sa ilang press people na nakausap nito during a special screening para sa technical at mga artista ng pelikula kailan lang.

    Ayon pa kay Iza, complementing daw ang magaling na acting ng leading man niya sa Dukot na si Allen Dizon kung kaya nga nadala siya nito.

    "Ako po ang nadala niya, ang galling niyang aktres," sabi naman ni Allen when asked to comment about Iza’s nice words for him.

    Actually, kahit nagpupurihan sina Iza at Allen, true naman talaga ang bonggang-bonggang partnership nila. Napalutang talaga nila’ng mensahe ng movie tungkol sa mga aktibistang simula noong araw ay nawawala at ang military ang lagging sinasabing kasangkot dito.

    In Dukot, naiparamdam ng script ni Bonifacio Ilagan ang horrors na dulot ng pagkawala ng mga mahal sa buhay. In this movie, we realized na totoo nga palang may mga ganitong pangyayari sa makabagong panahon.

    Bigla tuloy naming naalala ‘yung classmate namin noong araw na naging biktima ng ganitong pangyayari. Dinukot siya, dumas ng matinding torture at na-gangrape pa ng kanyang mga tormentors. Nang makita’ng bangkay ng aming kaibigan, halos maiyak ang mga taong naging bahagi ng buhay niya. Hindi mo iisiping ang isang simpleng estudyante na galling sa isang malayong probinsya ay maging mulat na siyang naging sanhi ng kanyang may saysay na pagbuwis ng buhay.

    Ang tinutukoy naming ay si Liliosa Hilao na mula sa Sorsogon noon na nagging kaklase naming sa high sa Jose P. Laurel High School sa Tondo, Manila. Liliosa was a brilliant student who took up a course in Liberal Arts sa Pamantasan Ng Lungsod Ng Maynila.

    She was an inspiration to all activists who until now, despite the fact na matagal na siyang yumao ay hindi pa rin nabubura ang kanyang kadakilaan ng kanyang pangalan. Para sa amin, Liliosa is a hero at dapat na ipagpatayo ng bantayog upang maging paalala sa mga nagnanais isulong ang kagalingan ng kanilang bayang sinilangan.

     

     


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here