PAREHONG dream come true para kina Iza Calzado at Nikki Gil na makasama si Piolo sa project.
Si Iza, dalawang beses na nakasama si Piolo sa pelikula na ang huli nga ay ang Starting Over Again. Pero, aniya, hindi niya maki-claim na siya ay leading lady doon.
“This time, maki-claim ko na, certified, 100 percent, walang kokontra,” masayang sabi ni Iza sa presscon ng Hawak Kamay sa Dolphy Theater ng ABS-CBN kahapon. Ayon pa kay Iza, pang-check daw talaga sa bucket list na makatrabaho ang isang Piolo Pascual ng mga ka-batch niyang artista. Inayunan agad ito ni Nikki.
“So, sobrang saya ko talaga. And when we started taping, sobrang grateful ko na napabilang ako kasi ang gaan katrabaho ng mga tao sa set, lalung-lalo na ’yung mga bata.
“First time ko kasing magkaroon ng serye na malaking part ng storya ay ang mga bata at ang relationship din ng mga adult sa mga bata. ’Yung to be surrounded with the kind of pure energy is refreshing.
“Everytime you go to the set, magaan. So, grateful ako na napabilang ako, lalung-lalo na ang makasama ko si Papa P,” Iza added. Ayon naman kay Nikki, nang una pa lang na banggitin sa kanya ang project na si Piolo nga ang kanyang makakasama, aniya, sino ba ang hihindi?
“Kahit nga passerby lang ako, eh, bakit hindi? But of course, the whole experience for me is very inspiring because more on behind the scenes dahil alam naman po natin kung gaano kalaking star si Piolo and yet, he has professionalism and the way that he treats his co-actors and the prod people, is the way that he is.
Pagdating niya sa set, eh, talagang nakaka-inspire.“Wala pong karapatang mag-attitude ang kahit sino sa cast na ito dahil si Piolo Pascual ay hindi nagrereklamo and he’s there, he knows his lines, he knows the story and he’s more than willing to help the new ones like myself.
“So, it’s been a very, very enjoyable process and journey,” say ni Nikki. Ang bilis nga ng “oo” niya nang tanungin kung sasagutin ba niya si Piolo kapag liligawan siya nito.
Pero later, binawi rin niya ito at sinabing hindi niya kakayaning maging boyfriend ang aktor dahil sa sobrang guwapo nito, tiyak na marami siyang kumpetisyon.
“Sobra siyang high maintenance,” say pa ni Nikki. At dahil si Iza ay taken na, purely work lang daw talaga ang pagsasama nila ni Papa P.