Iza Calzado mas bakla pa kay Regine Velasquez

    294
    0
    SHARE
    Gayung sobrang linaw na ngang buntis na si Regine Velasquez at ito ang dahilan kung bakit sabay-sabay niyang binitiwan ang mga projects niya ay ayaw pa rin nila kapuwa nag-confirm ng dyowang si Ogie Alcasid ng tungkol dito. Kaya hanggang ngayon, pahulaan pa rin kung true nga na preggy na si Regine.

    Inabangan nga ang announcement ni Regine Velasquez sa Party Pilipinas noong Linggo, pero sorry na lang sa mga naghintay dahil hindi pa rin nito kinumpirma ang balitang preggy siya. Ang announcemet nito ay ang pag-alis niya sa I Heart You Pare. Kinanta muna nito ang All My Life na tinapos ni Ogie Alcasid dahil umiyak ito.

    “Paalam, iiwan ko ang IHYP. I will miss everybody, I will miss Dingdong. Lately, I’ve been sickly and in and out of the hospital at pinayuhan ako ng doctor to take a rest for awhile, but I’ll be back, ’di ko na lang kaya,” sabi nito.

    Instead of directly saying buntis siya, sickly raw at hindi na kaya pang magtrabaho. Milyones ang katumbas na halaga ng mga iniwan ni Regine pero may mga nagpapalagay na isang batang isisilang ang katumbas noon.

    “Mayaman na sila, they can afford to lose all those money, but not the baby. Matanda na si Regine at baka ito ang huli niya kung hindi pa niya iingatan.”

    True, for Regine, this might be the only chance of having that baby, pero ang kumita pa ng maraming milyones ay lagging bukas sa kanila ni Ogie.

    Pinasalamatan ni Regine ang whole GMA Network at ang buong Team IHYP  lalo na sina Otep, Hazel at direk Andoy Ranay na peg daw niya sa karakter ni Tonette. “Sa lahat nang sumusubaybay at patuloy na sumusubaybay, kahit wala na ako roon. nandun pa rin ang puso ko.”

    During the first taping day ni Iza Calzado sa I Heart You Pare ay inamin nitong nanibago siya. Ang fear niya ay ang singing part at ang umakting na bakla, but so far, okay ang first day. 

    “Masaya naman so far, inayos ang make-up at looks ko at nawala ang initial worry ko dahil hindi ko napapanood ang series. Kinausap ko si Ricci Chan for background at nanood ako ng clip sa YouTube. Tinawagan ko rin si Ate Regine at nag-usap kami ng 20 minutes. I need to know kung may mannerism siya. Sa rehearsal ng Party Pilipinas, sinabihan ako ni Kuya Ogie na if I have problem, feel free to call Ate Regine at ginawa ko naman.”

    Hindi iniisip ni Iza ang pressure at ang nasa isip niya ay magawa ng tama ang trabaho niya lalo’t si Regine ang pumili na pumalit sa kanya. Looking forward na siya sa mga eksena nila ni Paolo Ballesteros at ’di raw siya patatalo rito.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here