Iwa Moto dapat kastiguhin ng GMA 7 

    12
    0
    SHARE

    Ang pasaway ay pasaway ay pasaway. Yan si Iwa Moto at puwedeng sabihing di tama ang move noon ng GMA 7 na i-build up siya matapos gumawa ng maraming bawal noong araw na bago pa lang siya sa Starstruck. Sobrang pasaway nga kasi ni Iwa na hindi pa man natatapos noon ang contest sa batch nila, may lagim na itong isinabog noon.

    Remember, sila ni Jackie Rice noon ay kung anong milagro ang ginawa kaya ilang panahon ding grounded sila.  Pasalamat nga sila, kahit paano, kahit na ipinakita na nila yung dark side nila noon, pinag-aksayahan pa sila ng panahon ng kanilang home network.

    Okey na, sabihin na nating nakagawa naman si Iwa ng sariling pangalan, tumatak siya sa publiko, kumbaga, nakapagpakita ng kaunting kakayahan but all in all, hindi nagging maganda ang projection niya.

    Kaya na sanang itago ang mga kakulitan at kapasawayan ni Iwa, pero itong huli, sobra na, iskandalo na image na ng GMA 7 ang nakataya. Can you imagine na hitsura ng luka-lukang nagwala si Iwa in public, nagbasag ng kotse, kamuntik magpasagasa, magsisigaw, magmumura sa gitna ng kalsada. Yes, nakunan ng mga tv camera ang ginawa ni Iwa at hindi nagging maganda ang dating nito. It appeared, naputikan at nagurlisan ang imahe ng GMA 7 kaya dapat lang na papanagutin si Iwa sa ginawa niya.

    May banta raw ang GMA 7 na suspendihin siya. O baka naman ek ek lang yun, at sa banding huli, i-glorify pa siya at gawing come on na publicity material para sa kanilang Andres De Saya ang lahat. You see, yan ang masamang ugali ng mga business entities, ginagamit nilang publicity material ang mga iskandalong kinasasangkutan ng kanilang mga artista.

    Test case ito ngayon sa GMA 7, makikita natin kung kokondenahin nila si Iwa dahil nga sa ginawa nitong malaking iskandalo sa loob mismo ng kanilang bakuran.

    Dami talagang gusot na sinuong ang babaing ito. Noong araw, may mga episodes si Iwa na paroo’t parito sa mga gay bar, specifically sa isa sa bandang Malate area, dahil may kakuyangyangan siyang call boy sa naturang establisimiyento. Tsika ng isang regular customer  sa naturang gay bar, mistulang bading daw si Iwa na nakikipagkumpetensiya sa mga bading na may gusto rin sa lalaking inibig niya.

    And did you know, inalagaan pa raw ni Iwa ang isang tropa ng dance group na kung saan member yung lalaki. Yes, blow out dito, blow out doon and worse, binahay daw ni Iwa ang buong tropa.

    Di raw iilang beses yung encounter ni Iwa sa mga DOM na bading na sponsor din ng naturang dance group.

    O ayan, tiyak na marami pang sikretong nakatago si Iwa kaya dapat lang siguro na this time, kastiguhin na siya ng GMA 7.

    GMA should put a stop to all these kapasawayan ng kanilang mga artista.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here