And we will also say na kami, talaga namang na-addict sa telenovela noong una pa man dahil sa maganda nga takbo ng istorya nito.
Pero ngayon, gaya ng marami pang teleserye na sa una lang maganda pero sa banding huli, nauubusan na ng ideya ang mga writers at sa kagustuhang mapahaba na lang ito, kung saan-saan na napapadpad ang isotorya. And ending nga, nagiging parang wala na sa huwisyo ang mga chartacters na tila nga hindi na tao kung gumalaw.
Hindi na naming iisa-isahin ang mga character flaws ng Tayong Dalawa. Ang sasabihin na lang namin, matalaga na dpaat nang winakasan ito dahil nga nag-climax na, pero muling lumaylay paibaba ang takbo at pilit na lang na pinatataas dahil nga malakas ang rating nito.
Dapat talaga wakasan na lang ito para hindi na tuluyang mag-suffer ang istorya at baka dumating yung mabagot na ang mga tagasubaybay dahil sobrang gulo na’ng istorya.