Home Headlines ISDApp, inilunsad sa mga mangingisda ng Aurora

ISDApp, inilunsad sa mga mangingisda ng Aurora

983
0
SHARE

May 100 mangingisda mula sa Dingalan, Aurora ang tumanggap ng analogue phone na may ISDApp upang makatulong sa kanilang kaligtasan at hanap-buhay. (BFAR Region 3)


 

DINGALAN, Aurora — May 100 mangingisda mula sa pitong barangay ng Dingalan, Aurora ang tumanggap ng mga analogue phone bilang bahagi ng ikalawang yugto ng pilot implementation ng ISDApp.

Naka-install sa mga naipamahaging telepono ang ISDApp na naglalayong magbigay impormasyon sa mga mangingisda ukol sa lagay ng panahon sa pamamagitan ng SMS o text message.

Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR National Director Eduardo Gongona, susuriin ng mga mangingisda ang bawat impormasyon ng ISDApp kung ito ay epektibo sa kanilang hanap-buhay at kaligtasan.

Aniya, positibo ang reaksyon ng mga mangingisda ng Aurora sa pakinabang na maidudulot ng ISDApp sa kanilang pagpalaot.

Giit ni Gongona, tinitignan ng kanilang ahensya ang paglalagay ng karagdagang impormasyon gaya ng lakas ng hangin at taas ng alon base sa resulta ng pilot testing.

Para naman sa kanyang bahagi, ipinahayag ni BFAR Regional Director Wilfredo Cruz na inilunsad ang ISDApp sa Aurora dahil sa klima nito.

Aniya, malaking tulong sa kaligtasan ng mga mangingisda ng Aurora ang advisory system na hindi nangangailangan ng internet gaya ng ISDApp.

 

Ang ISDApp ay inilunsad ng National Fisheries Research and Development Institute sa pakikipagtulungan sa BFAR, Globe at iNON o It’s Now or Never IT solutions. (CLJD/TJBM PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here