Home Headlines Isang linggong pagdiriwang ng Singkaban Festival ng Bulacan nagsimula na

Isang linggong pagdiriwang ng Singkaban Festival ng Bulacan nagsimula na

12916
0
SHARE
LUNGSOD NG MALOLOS- Nagsimula na ang isang linggong pagdiriwang ng taunang Singkaban Festival sa Bulacan na gaganapin mula ika-9 hanggang 15 ng Setyembre.
Kasama sa pagdiriwang ang mga pang-isang linggong eksibit kabilang ang D’Fair: A Singkaban Expo and Exhibit at Bahay Kubo, Bahay Gulay, at Bulacan Food Fair Expo (BUFFEX) at ang Parada ng Karosa naman ang naging pagbubukas ng programa.
Ang kapistahan ay temang ‘Sining at Kalinangang Bulakenyo, Dangal ng Filipino,” hudyat ang pagbubukas ng Singkaban Festival ng isang linggong selebrasyon ng iba’t ibang aktibidad upang ipagdiwang ang kasaysayan, sining, kultura at turismo ng Bulacan.
Ikinumpara naman ng panauhing pandangal na si Senador Cynthia Villar ang Singkaban Festival sa katatagan at kagandahan ng kawayan.
Ang ‘singkaban’ kasi ay ang kawayan na ginagamit na palamuti sa mga kapistahan.
“Dito sa inyong Singkaban Festival, natutuwa ako na ang kawayan ang bida sa festival na ito. Ang kawayan, pwedeng putulin at pakinabangan at pagkatapos ay magre-regrow kaya ito ay sustainable. Sa kabilang banda, sa pamamagitan ng Singkaban Festival, nae-expose ang mga kabataan sa kahalagahan ng kawayan na sila naman ang magtutuloy nito sa susunod na henerasyon,” ani Villar.
Pinasalamatan ni Villar, na adopted daughter ng Bulacan sa pamamagitan ng Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 145-T’19, ang mga Bulakenyo sa pagtitiis sa ulan upang maipagdiwang ang isang linggong kapistahan sa lalawigan.
Kinilala naman ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga pagsisikap ng mga Bulakenyo upang maisantabi ang kanilang pagkakaiba at indibidwalidad upang magkaroon ng iisa at kolektibong hangarin na makapag-ambag sa pag-unlad ng Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here