1.
Ang mga lead convenor ng PAMPANGA CONCERNED CITIZEN
ay mayroong panawagan sa ating mga KABALEN
sa lahat ng may facebook at mga aktibong NETIZEN
let us all join and be a part on18th day of September
of the LABAN PEOPLE’S RALLY which will start at 2:00 pm
at SAN FERNANDO CATHEDRAL beside old Pampanga Hotel
2.
Ang kanilang panawagan ay hayag at NAKATUON
sa mga taong SANGKOT sa mga dinayang flood control
mga substandard project, mga ghost at mga na-CLONED
na kung saan nakurakot pondong daan-daang BILYON
ang pangunahing layunin nitong mga LEAD CONVENOR
magkaroon ng malaya’t masusing IMBESTIGASYON
3.
Labing limang contractors daw NAGPAKASASA sa pondo
dahil sila’y kumukubra ng halos BEINTE PORSYENTO
545 billion na halaga ng proyekto
sinasabing napondohan mula pa 2022
at yan ay ghosts at cloned projects, SUB STANDARD na trabaho
kontratang paulit-ulit pare-pareho ang presyo
4.
May ibang mga datos pa na iniulat ng COA
ayon na rin sa pahayag nitong CC of Pampanga
nasa 5.7 billion ang kabuuang halaga
na pondo ang diumano’y sa ghost project lang NAPUNTA
may depektibong proyekto namang nagkakahalaga
ng 343 M ayon sa aking nabasa
5.
Korapsiyon sa ating bansa ay ganyan na katalamak
dahil ang ilang kawani ng gobyerno’y MANDURUGAS
pati pondo sa flood control ay hindi rin nakaligtas
sa lahat ng mandarambong na kung MAGNAKAW ay wagas
mga pulitikong sangkot ay PANGALANAN na lahat
at patawan ng parusa na naaayon sa BATAS
6.
SOBRA NA! TAMA NA! kaya, kailangan ng WAKASAN
ang talamak na korapsiyon sa’ting bayang sinilangan
Pampanga conerned citizen ay ganyan ang panawagan
ISANG BAYAN! PEOPLE’S RALLY Laban sa katiwalian
ito’y HINDI PAG-AAKLAS, laban sa pamahalaan
kung hindi PAGPAPAHAYAG, ng damdami’t kasawian
7.
Pagkasawi’t kaapihan, sa lahat ng MANDARAMBONG
na kawani ng gobyerno at abusadong CONTRACTOR
dahil sa mga GHOST PROJECT di nabigyan ng solusyon
ang malawakang pagbaha sa buong isla ng LUZON
ako ay KAISA ninyo sa inyong isinusulong
na wakasan sa’ting bansa ang talamak na KORAPSIYON