May apat na taon na ring magka-live-in sina Solenn at Nico habang sina Isabelle at Adrien ay mahigit anim na taon nang magkasintahan.
Inamin ni Isabelle na maraming beses niyang tinurn down si Adrien pero naging matiyaga at persistent ito ng kanyang panliligaw sa panganay ng kauna-unahang Filipina Miss Universe na si Gloria Diaz.
Nag-propose si Adrien kay Isabelle last year habang sila’y nagbabakasyon sa Coppadocia in Turkey at balak nilang magpakasal sa isa pa nilang favorite place sa Europe, in Tuscany, Italy.
Kapag ikinasal sina Solenn at Isabelle, tiyak na kasama sa wedding entourage ang kanilang mga close friends tulad nina Anne Curtis (na GF ng kapatid ni Solenn na si Erwan Heussaff), ang ex-GF nina Richard Gutierrez at Borgy Manotoc na si Georgina Wilson, ang fashion stylist na si Liz Uy at iba pa.
Si Solenn ay kagagaling pa lamang sa hit Valentine offering ng Regal Films na “Love is Blind” kung saan niya katambal for the very first ang ex-boyfriend niya si Derek Ramsay, Kean Cipriano at si Kiray Celis habang si Isabelle naman ay co-star nina Cristine Reyes at Zanjoe Marudo sa TV adaptation ng pelikulang “Tubig at Langis.”