Isabelle Daza denies Dingdong Dantes is her lover

    566
    0
    SHARE

    NAGTATAKA si  Isabelle Daza kung bakit siya biglang na-link kay Dingdong Dantes recently. 

    Diumano’y si Isabelle ang ipinalit ni Dingdong kay Marian Rivera. Mabuti na lang at nilinaw kaagad ito ni Dingdong sa presscon noon ng hit movie na Tiktik: The Aswang Chronicles.

    Ayon kay Isabelle sa presscon ng bagong  cooking cum talkshow ng GMA News Channel,  Channel 11, ang  Taste Buddies, kasama ni Solenn Huessaff:

    “Natatandaan ko lang ay nagkasama kami ni Dingdong sa isang corporate affair last year. Kami ang nag-host  ng awarding sa isang golf tournament. Palabiro si Dingdong, ako naman ay kabagu-bago  pa lang sa showbiz.”

    Pagkatapos ng affair, ayon kay Isabelle,  di na sila nagkita ni Dingdong.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here