Isabel Oli may bagong lalaki sa buhay

    410
    0
    SHARE
    Mismong si Isabel Oli ang nagbabalitang may special guy na sa kanyang buhay. Isang negosyante raw ito mula sa Cebu at dahil non-showbiz ayaw na niyang magsalita pa ng marami tungkol dito.

    “At para matigil na rin ‘yung tungkol sa amin ng isang basketbolista. Kawawa naman siya, may girlfriend ‘yung tao, masyado siyang nakakaladkad. Sa true lang po, friends lang kami pero ngayon, hindi na kami nagkikita’t nag-uusap para matigil na lang ang lahat,” sabi pa nito.

    Nang matanong naman tungkol sa present state ng girlfirend na buntis ni Paolo Contis, si Lian Paz nga na isang EB Babes member, sianbi nitong natuwa naman siya. “Kahit kailan, a baby is always a blessing, sana lumigaya na silang dalwa,” medyo asiwang sabi pa ni Isabel Oli.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here