Isabel Oli ayaw kumampi kay Sarah Lahbati

    357
    0
    SHARE

    Nalulungkot si Isabel Oli sa kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ng kaibigan niyang si Sarah Lahbati.

    Say niya nang maka-usap namin siya sa presscon ng teleseryeng Forever ng GMA-7, wala raw siyang kamalay-malay sa planong ito ng young actress at nagulat na lang daw siya nang mabasa niya ang tweets nito.

    “I asked her naman, nu’ng time na ’yun na kaka-tweet lang niya, parang hindi pa naman kasi sure lahat nu’ng time na ’yun. Hindi ko alam, kasi nakita ko na lang sa latest tweet niya na parang sure na aalis na siya. Hindi ko na siya na-text ulit kasi.

    “So, nakaka-miss kasi mabait ’yung bata sa akin, eh,” she said.

    When asked kung nasaan ba siya sa isyung ito, kung sa side ni Sarah o sa side ng network, aniya ay mahirap daw magbigay ng komento.

    “Okay kami sa GMA, okay kami ni Sarah, so ang hirap, hindi ko rin alam kung saan. Kasi, I can see rin naman ’yung point ng GMA, pero may point din naman kasi si Sarah.

    “Actually, sa totoo lang, pinagpe-pray ko rin si Sarah. I texted her, ’yun ang tinext ko sa kanya na I’ll pray for her, kasi alam ko ‘yung pinagdaanan niya, na hindi talaga ganu’n kadali.”

    Samantala, sa Forever ay kontrabida ang role ni Isabel at kasama niya rito sina Heart Evangelista, Geoff Eigenmann, Gloria Romero at marami pang iba. Mapapanood na ito sa January 21, pagkatapos ng Eat Bulaga.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here