Home Headlines Isa pang paaralan sa NE katuwang na sa Pag-IBIG Fund Loyalty Card...

Isa pang paaralan sa NE katuwang na sa Pag-IBIG Fund Loyalty Card Program

495
0
SHARE

LUNGSOD NG CABANATUAN (PIA) — Isa na rin sa mga katuwang ng Pag-IBIG Fund sa paghahatid ng Loyalty Card benefits ang Good Samaritan Colleges (GSC) sa Nueva Ecija.

Nilagdaan ng dalawang partido ang kasunduan sa naturang programa, partikular sa pagbibigay ng 10 porsyentong diskwento sa tuition fee para sa mga anak ng Pag-IBIG Loyalty Card holder na mag-eenroll sa Grade 7 Junior High School, Grade 11 Senior High School, at 1st year College sa darating na pasukan.

Ayon kay GSC Vice President for Operations Alessandra Valino, isang oportunidad ito para sa kanilang paaralan upang makatulong sa mga magulang ng kanilang mga estudyante na makatipid sa pagpapaaral matapos ang pandemya.

Sa ngayon, tumatanggap na ng enrollees ang paaralan ng GSC para sa susunod na pasukan na kung saan maaari nang gamitin ang loyalty card sa pag-eenroll upang mapakinabangan ang programang diskwento.

Isa na rin sa mga katuwang ng Pag-IBIG Fund sa paghahatid ng Loyalty Card benefits ang Good Samaritan Colleges (GSC) sa Nueva Ecija. Lumagda sa kasunduan (mula kaliwa) sina Pag-IBIG Fund Central Luzon II Area Department Manager III Amy Gopez, Pag-IBIG Fund Vice President for Member Services Operations-Luzon Group Lilia Anguluan, GSC Vice President for Operations Alessandra Valino, at GSC Legal Counsel for Academic Affairs Israel Bonite. (Camille C. Nagaño/PIA 3)

Ang Loyalty Card Program ng Pag-IBIG Fund ay naglalayon na makapagbigay ng mga karagdagang benepisyo sa mga miyembro nito tulad ng discounts, rewards, at earning points na maaaring i-avail sa mga partner establishment ng ahensya.

Inilahad ni Pag-IBIG Fund Vice President for Member Services Operations – Luzon Group Lilia Anguluan na sa ngayon ay nasa higit 360 institusyon o establisyimento na ang katuwang nila sa naturang programa sa buong bansa.

Samantala, bukas pa rin aniya ang ahensya sa pakikipag-ugnayan sa lahat ng institusyon o establisyimento gayundin sa mga paaralan na nagnanais pang maging katuwang nito sa pagkakaloob ng Loyalty Card benefits.

Ito na ang pangalawang pribadong paaralan na kapartner ng ahensya sa naturang probinsya matapos ang PHINMA Araullo University. (CLJD/MAER-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here