AT LEAST hindi nag-deny si KC Concepcion sa kanyang Twitter na lumalabas sila ng ex-boyfriend ni LJ Reyes na si Paulo Avelino at nagienjoy naman silang magkasama although she admits that she’s not EXCLUSIVELY dating at single pa rin umano siya.
Meaning, isa lang marahil si Paulo sa kanyang dini-date at ini-enjoy lamang ni KC ang kanyang pagiging single.
Pagdating sa lovelife ni KC, hindi nakikialam ang kanyang inang si Sharon Cuneta. Kahit sinuman ang mapusuan ng anak at ito’y masaya ay masaya na rin siya. Ang importante umano ay mamahalin at hindi sasaktan ang kanyang panganay.
Speaking of KC, ano kaya ang kanyang next project sa ABS-CBN matapos siyang huling mapanood sa teleseryeng “Huwag Ka Lang Mawawala”?