Home Opinion ‘Is there a true social justice?’

‘Is there a true social justice?’

528
0
SHARE

ANG ISA sa walong pinaka-masipag
na ‘Otso Diretso’ candidate, na anak
ng isang kay Rizal maihalintulad
ang katapangan ay ‘hero’ ang katumbas.

Sinong ang hindi riyan nakakikilala
kay Jose W. Diokno, na siyang ama
ni ‘Chel,’ na ngayon ay bakas ng tatay niya
ang gustong tapakan kung palarin siya?

Kilala bilang ‘street parliamentarian’
ang matandang Diokno, na di nabahiran
ng anumang dungis ang kanyang pangalan
bago at matapos makapanungkulan

Kundi bagkus nanatiling malinis siya
at di natukso na katulad ng iba
na yumakap sa atas ng diktadura
ni Apo – sapagkat siya’y makamasa!

At handang ibuwis ang sariling buhay
sa kapakanan ng ating Inangbayan,
gaya ng ginawa nina Dr. Rizal,
Andres Bonifacio, Gregorio del Pilar

At ibang tulad ni Jose Abad Santos,
na kusang ang buhay ini-alay lubos
sa mapang-aliping dinidiyos
kaysa maging taksil sa bayang inirog!

Gayong kung sinunod lamang niya marahil
ang sa kanya ay marubdob nilang hiling,
na maki-iisa sa hawak na tungkulin
ay ligtas na siya’t di na papatayin?

Sa panahong ito, di ko nilalahat
ang sa‘ting gobyerno ay may hawak
na tungkulin di di na tayo makahanap
ng isa pang Jose sa gulong ng palad.

Hindi sa itong si Atty. ‘Chel’ aking
pinangangampanya kaya ko nasabing
napakabuti niya’t dapat tangkilikin
kundi ng dahil sa gintong binhi galing.

Na lubhang maliit na porsyento lamang
ang sa namana n’yan ay kabaligtaran
itong maaaring danasin ng bayan
sa kamay ng anak ng ‘parliamentarian’

May kasabihan na kung ano ang puno
ang siyang bunga kaya nga’t lubhang malayo
na sa tulad ni ‘Chel’ ay pagkasiphayo
ang maaring kamtin sakali’t maupo.

Gaya nang sa harap ng mamamahayag
ay ipinangakong ang Saligang Batas
na marapat sundin, ipairal dapat
ng patas para sa dukha at mapilak.

Ang social justice na mailap kung minsan
at hirap makamit sa kasalukuyan,
isusulong niya’t ang dapat susugan
ay gagawin para sa dukha’t mayaman.

Di kagaya ngayon, kung wala kang pera
simpleng kaso lang ay di mo maisampa
sa hukuman dahil una sa lahat na
pera ang kay Attorney ‘acceptance fee’ niya.

(Tama at may mga PAO na tinatawag
at ang ‘appearance’ n’yan libri lamang dapat,
pero ang iba ay lubhang makukupad
kung kumilos sanhi ng sila’y di bayad?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here