Home Opinion Iringan ng U.S. at China, lumalala

Iringan ng U.S. at China, lumalala

1027
0
SHARE

ITONG patuloy na bangayan ng China
at ng katunggaling bansang America,
hinggil sa isyu r’yan ng tinatawag na
‘pandemic’ ang virus at peligrong dala.

At sa bagay na yan pati na rin yata
ang nakararami ganun ang hinala,
ano ang palagay natin at hinuha
ang kahantungan n’yan sa ating akala?

Di kaya ito ang posibleng pagmulan
ng gyera kapag ang pag-akusa riyan
ni Trump, na China nga ang may kagagawan
sa mapaminsalang virus na naturan?

At pati ang ibang bansa ay ganun din
marahil ang maging kaba’t pangitain
ng higit ang bilang d’yan sa nangyayaring
pagbabatuhan nina Trump at Xi Jingping,

Naniniwala ang inyong abang-lingkod,
na kung ni isa’y walang maglakas loob
para mamagitan sa dalawang hayok
sa kapangyarihan ‘World War’ ang idulot!

At tayo ang siyang unang puntirya n’yan
sakali’t humantong sa pandaigdigang
away nitong magka-alyado’t kalaban
ng America at ng China din naman.

Na hayan di pa man ay painut-inot
tayo nitong China nais na masakop
sa pamamagitan d’yan ng patalikod
na pamamaraan at ng pananakot.

Ang Scarborough ay sinakop na nila
kahima’t batid n’yan na di sa kanila,
kundi atin, pero sila’y patuloy pa
sa paniniil sa ating republika.

Kaya nga’t ayaw man nating makisasaw
sa iringan nila, ngayo’t abot tanaw,
ang pamimihasa at gawang panakaw
ng China ano’t di pa tayo sumawsaw
(At hatakin itong lubid ng batingaw?)

Na siyang magbabadya na dapat na tayong
kumilos upang ang bansa’y ipagtanggol
laban sa bansang yan, na ilang daang taon
na ring nagpasasa magmula pa noon.

Kung tutuusin ay ano ang posibleng
ating maaring hirap na danasin
kontra sa animo ay isang higanteng
tulad ni Goliath sa panahon natin?

Kundi ng dasal at pananalig sa Diyos
na lubhang kailangan upang tayo’y lubos
makahulagpos sa panganib na dulot
ng sakim na bansang sa atin ay salot.

Gaya nang ngayon ay hinala po natin,
na itong ‘virus’ na dumating sa atin,
yan ay di malayong gawa nga marahil
ng bansang iba ang diyos na ginigiliw!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here