Okey lang naman sana yung ginawa ni Tita Swarding na naisip lapitan si Mayor Bistek ng Quezon City nang maoperahan sa gall bladder ang ina ng kanyang mga anak.
Natural lang naman na friend at hindi iba ang turing niya sa pamilya ni Mayor at nang hindi nga napansin ang request niya, sumama ang loob niya.
Pero sana naman, naintindihan ni Tita yung may mga requiremnents sa pagtulong gaya nga ng sagot sa text sa kanya ni Harlene na kailangan yung mga bagay bagay para nga ma-process yung hinihingi niyang tulong, kahit delay na yung reply, still in good faith pa rin naman yung pagsagot sa kanya.
The moment na nag-text sa kanya ang sister ni Mayor, yun na yun, kahit paano, may intensyong tumulong, hindi po ba?
Sa true, sa laki talaga ng responsibilidad ni Bistek bilang mayor ng isang premier city, hindi naman talaga kaagad-agad na makaaksyon sa especially kung sa text lang.
Tutal naman, nangangailangan ng tulong, dapat sana, kumilos si Swarding, personal niyang hinanap si Harlene or si mayor kaya para mas madali sana.
Huwag naman yung sa text lang na posibleng di agad mabasa dahil di lang naman text ang pinagkakaabalahan ni Bistek, much more ni Harlene.
Lesson na yun na next time, kung feeling close ka naman sa mga pulitiko, see them personally, I don’t see any reason kung bakit di ka haharapin.
Or dapat siguro, kay madam Thates, pumunta si Tita Swarding, ito yung misis ni Bistek na talaga namang ‘our lady of perpetual help’ sa mga nangangailangan.
With Madam Thates, walang hindi, kung hihingi ng tulong sa kanya.
Nabasa kaya ni Swarding ang mga negative comments kanya dahil sa panliliisik ng kanyang panulat dahil di agad naaksyunan ang text niya?