I
Sa INTERFAITH RALLY, PEACE COVENANT SIGNING
at sa UNITY WALK lahat ay dumating
mga pulitiko nating MAGIGITING
na KANDIDATO sa halalang darating
sila’y nagkaisa upang MAPAIGTING
layuning PEACEFUL AND RESPONSIBLE VOTING
II
Dito sa San Simon itong UNITY WALK
naging matagumpay sa patnubay ng DIYOS
mga kandidato lahat ay LUMAHOK
team ni MAYOR JP at ni ROMMEL BONDOC
grupo ng BTS ni VICE DADING SANTOS
mga INDEPENDENT at CONGRESSMAN BUSTOS
III
Sila’y tumugon sa panawagan ng SAFE
ng DILG at maging ng COMELEC
ng KAPULISAN at PHILIPPINE ARMED FORCES
PASTORAL COUNCIL at pati na rin ng DECS
ang hangarin nila’y maging FAIR at HONEST
mga kandidato sa halalang MAY 12
IV
Matagumpay naman naging PAGTITIPON
ng kandidato sa bayan ng SAN SIMON
di naging hadlang ang init ng panahon
upang isagawa ang kanilang MISYON
na mabigyang daan ang tunay na layon
ang TIPAN para sa payapang eleksiyon
V
Perfect attendance ang mga kandidato
na kinagiliwan ng maraming tao
mga aspirante lahat ay seryoso
sa kaganapan na NAPAKASAGRADO
dahil sa harapan ng simbahan mismo
nangagsilagda ang mga nagsidalo
VI
Ang tunay na diwa ng PAGKAKAISA
ng mga SIMONIAN ay muling nadama
mga kandidato ay nagsama-sama
kahit ang partido ay MAGKAKAIBA
sana’y maging hudyat upang mabago na
sistemang bulok sa ating PULITIKA
VII
Manatili sana ang KAPAYAPAAN
saan mang LUPALOP nitong ating bayan
sana ay matigil na ang KARAHASAN
upang ang maghari ay KATAHIMIKAN
di lang sa panahon ng mga HALALAN
kung hindi ngayon at MAGPAKAILAN PA MAN